GMA Logo Stories from the Heart The End Of Us
What's on TV

Finale episode ng 'Stories from the Heart: The End of Us,' tutukan mamaya

By Jimboy Napoles
Published January 7, 2022 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala exits Australian Open after 'overwhelming' scenes
DPWH chief orders third-party assessment of Iloilo's Aganan Flyover
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Stories from the Heart The End Of Us


Panoorin ang finale episode ng 'Stories from the Heart: The End of Us,' mamaya sa GMA Afternoon Prime.

Mainit na sinubaybayan ng maraming manonood ang unang pagtatambal sa isang Kapuso serye ng real-life celebrity couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa Stories from the Heart: The End Of Us.

Gumanap ang dalawa bilang sina Maggie Corpuz at Jeffrey Guevarra, ang mag-asawang naghiwalay dahil sa marami nilang pagkakaiba at hindi mapagkasunduan hanggang sa dumaan sila sa madugong proseso ng annulment.

Matapos ang tatlong linggong pag-ere sa telebisyon, ngayong araw, January 7, na ang nakatakdang pagtatapos ng nasabing serye.

Ngayong ibinaba na ng korte ang desisyon na pagpapawalang bisa ng kasal nina Maggie at Jeffrey, paano sila magsisimula muli pagkatapos napagtanto na ni Jeffrey na mahal niya pa ang kanyang ex-wife?

Tutukan ang finale episode ng Stories from the Heart: The End of Us, mamaya 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan naman ang naging madugong annulment trial nina Maggie at Jeffrey, DITO: