GMA Logo mark prin suparat and kao supassara thanachart in my forever sunshine
What's Hot

Finale ng 'My Forever Sunshine,' kinakiligan

Published September 17, 2022 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Thailand advice Filipinos to be cautious, vigilant
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

mark prin suparat and kao supassara thanachart in my forever sunshine


Nauwi rin sa kasalan ang pagmamahalan ng magkakabatang sina Keith at Penny sa huling episode ng 'My Forever Sunshine.'

Ipinalabas na ang last episode ng kinagiliwang Lakorn sa hapon na My Forever Sunshine noong Biyernes, September 16.

Sa finale ng Thai series, bumalik si Penny sa farm.

Sa kaniyang pagbabalik, nagkunwaring galit si Keith kay Penny dahil umalis ito sa farm matapos niyang i-confess ang kaniyang feelings sa dalaga.

Sinubukang suyuin ni Penny si Keith at ipinangalandakan sa buong farm kung gaano niya kamahal ang kaniyang kababata.

Nakuha naman ni Penny ang loob ni Keith matapos niya itong aluking magpakasal pero inulit ni Keith ang senaryo at siya ang pormal na nag-propose.

Matapos ang away at bangayan ng dalawan noon, nauwi rin sa kasalan ang kanilang pagmamahalan.

Samantala, kinilig naman ng Pinoy fans sa ending ng My Forever Sunshine.

Sa katunayan, may public Facebook group ang My Forever Sunshine na layong suportahan ang bida nitong Thai actor na si Mark Prin. Mayroon itong 153,000 members sa ngayon.

Sa nasabing online group, ibinahagi ng fans na mami-miss nila ang palabas tuwing hapon na pinagbidahan ni Mark at ng leading lady niyang si Kao Supassara Thanachart sa araw ng pagtatapos ng show.

Kahit tapos na ang palabas, nangako ang ilang fans na patuloy pa rin nilang susuportahan ang tambalan nina Mark at Kao.

Simula Lunes, September 19, mapapanood ang isa na namang handog ng GMA Heart of Asia, ang Goblin: The Lonely and Great God na isa sa mga pinag-usapang serye ng box-office South Korean superstar na si Gong Yoo.

Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon, bago ang Family Feud sa GMA.