
Episode na puno ng confidence, charisma, at pagalingan sa pagsagot ang aabangan ngayong Miyerkules sa Family Feud!
Ngayong October 8, tampok sa Family Feud stage ang Breaking Muses ng It's Showtime at winners ng Mister Tourism Philippines 2025.
Ang team na The Breaking Muses ay mula sa groundbreaking segment ng It's Showtime na "Breaking Muse." Ang mga finalists na maglalaro ay puno ng talent, personality, at individuality. Abangan ang mga isasagot ng content creator and comedienne na si Joyce Glorioso a.k.a. Joyang mula sa Pagbilao, Quezon; ang actress and comedienne na si Patani Daño mula sa Talisay, Cebu; si Chuchaya Lagria mula sa Rodriguez, Rizal; at si Budang Cruz mula sa Taytay, Rizal.
Hindi naman pahuhuli ang dashing winners ng Mister Tourism World Philippines 2025 na recognized bilang most charmingly cultured gentlemen and proud tourism-model ambassadors of the organization. Ang aabangang players ay si Mr. Tourism World Philippines 2025 Granville Raymundo; first runner-up Jaime Kjel Velasco; Top 5 finalist Charles Ramirez; at Top 10 finalist and Social Media Awardee Ruslan Gamboa Caro.
Lively and inspiring clash ang aabangan sa Family Feud ngayong October 8, 5:40 p.m. sa GMA
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: