
Bago pa siya maging si “Sarah Ang Munting Prinsesa” una pala munang naging munting anghel ang dating child star noon at sikat na host at aktres na ngayon na si Camille Prats-Yambao.
Sa kaniyang Instagram account kahapon, October 7, ipinost ng Mars Pa More host na si Camille Prats, ang isang throwback picture ng stage play kung saan gumanap siya bilang isang anghel.
Ito raw ang first acting gig ng Kapuso host, bago pa siya pumasok sa showbiz. “Throwback to my very first acting gig back when I was in nursery,” caption ni Camille.
Sa comment section, napuno naman ng positibong komento ang post ng Kapuso host. Karamihan sa napansin ng netizens ay ang malaking pagkakahawig raw ni Camille sa kaniyang only daughter na si Nala Camilla.
Sabi ng isang netizen na si @pattygem “You looked like your daughter when you were little”
“Grabe, super kamukha mo si Nala! @camilleprats” comment naman ni @_justdoitjov.
“Nala ngaa po!! Pagka 5 or 6 ni Nala, remake na po ng Sarah ang Munting Prinsesa,” komento naman ni @aimeeeee18.
Nito lamang September 22, masayang idinaos ang 4th birthday celebration ni Nala Camilla kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Nathan and Nolan.
Mapapanood naman ngayon si Camille Prats-Yambao sa Mars Pa More, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang mga larawan ng masayang pamilya nina Camille Prats, asawang si VJ Yambao at ang kanilang mga anak na sina Nathan, Nolan, at Nala.