GMA Logo xian lim on hearts on ice
What's on TV

First appearance ni Xian Lim sa 'Hearts On Ice,' trending sa Twitter

By Aimee Anoc
Published March 23, 2023 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

xian lim on hearts on ice


Noong Miyerkules, napanood na si Xian Lim bilang Enzo sa Philippines' first-ever figure skating series na 'Hearts On Ice.'

Talaga namang inabangan ng manonood ang unang paglabas ni Xian Lim bilang Enzo sa Hearts On Ice.

Sa katunayan, nag-trending ang hashtag na "HOIEnzoIsBack" sa Twitter Philippines noong Miyerkules, March 22.

Xian Lim

Sa episode 8 ng Hearts On Ice, napanood ang pagpunta ni Yvanna (Rita Avila), kasama ang anak na si Monique (Roxie Smith), sa bahay ng ina ni Enzo na si Vivian (Cheska Inigo).

Napanood na rin sa kauna-unahang pagkakataon ang seasoned actor na si Tonton Gutierrez bilang Gerald, kapatid ni Yvanna at kasalukuyang engage kay Vivian.

Sa pagbisita ni Yvanna kay Vivian, ikinuwento ng una kung bakit nagbalik sila ng anak sa Pilipinas at ang muling pagkikita nila ng mortal na kaaway na si Libay (Amy Austria).

Matapos na mabigo si Monique na makapasok sa qualifying competition para maging parte ng Team USA, napagdesisyunan ni Yvanna na umuwi na lamang sa bansa sa pag-aasam na mas malaki ang oportunidad ng anak dito ng maging isang figure skating champion.

Samantala, pinutol ni Gerald ang pangmamaliit ni Yvanna sa bagong kaibigang nakilala ni Monique sa ice rink, si Ponggay (Ashley Ortega), nang tanungin nito si Vivian kung bakit wala pa si Enzo. Dito na ipinakita ang pagdating ni Enzo sa mansion nang naka-motorsiklo.

Ngayong Huwebes, mas makilala pa si Enzo at ang kanyang nakaraan. Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: