GMA Logo Sanya Lopez, Gabby Concepcion
Courtesy: GMA, GMA Drama
What's on TV

'First Yaya,' mapapanood na ngayong June 29 ng gabi

By EJ Chua
Published June 29, 2026 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Pump price adjustments on Tuesday, June 30, 2026
LPA inside PAR may develop into tropical depression within 24 hours
Celebrating Pride with music and drag performances

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez, Gabby Concepcion


Abangan ang pagbabalik ng dream loveteam sa 'First Yaya' na sina Melody at Glenn.

The wait over dahil magbabalik na ang pretty yaya at ang pogi president na nakilala noon ng Pinoy viewers sa GMA series na First Yaya.

Related gallery: KILALANIN: Sanya Lopez, Gabby Concepcion, at iba pang bida ng 'First Yaya'

Muling magdadala ng kilig, good vibes, at drama sina Yaya Melody (Sanya Lopez) at president Glenn (Gabby Concepcion).

Ang love team ay talaga namang minahal noon ng bayan at tiyak na muling susubaybayan ng mga manonood sa kanilang pagbabalik.

Kaabang-abang ang mga eksena nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, na tampok ang kanilang kulitan, asaran, at pati na rin ang ilang dramatic scenes.

Makikilala rin dito ang mga karakter nina Cassy Legaspi, Kakai Bautista, Cai Cortez, Analyn Barro, Patricia Coma, at marami pang iba.

Ano kaya ang magiging koneksyon at mga role nila sa fairy-tale-like story nina Melody at Glenn?

Huwag palampasin ang pagsisimula ng First Yaya.

Mapapanood na ngayong Lunes, June 29, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. sa GTV.