
Siguradong good vibes ang hatid ng pinakabagong GMA Telebabad series na First Yaya ngayong Holy Week.
Bahagi kasi ito ng special Holy Week programming ng GMA-7 para sa Good Friday at Black Saturday.
Sunud-sunod na episode ng aspirational romantic comedy series na ito ang mapapanood sa isang television marathon na tatagal ng dalawang araw.
Ang First Yaya ang first primetime starring role ni Kapuso actress Sanya Lopez. Gaganap siya dito bilang Melody Reyes na magiging yaya ng mga anak ng pulitikong si Glenn Acosta, na role naman ni Kapuso actor Gabby Concepcion.
Ayon kay Sanya, napaghugutan niya ng inspirasyon ang mga karanasan niya sa pag-aalaga ng mga nakababata niyang pinsan, pati ng kanyang lola para sa kanyang role.
"Nagamit ko siguro 'yung mas puso 'yung pinairal ko, pinaramdam ko sa kanila na once mayroon kang isang tao na inaalagaan, importante na mayroon kang puso. Importante na totoo 'yung pinapakita mo sa kanila," pahayag niya.
Samantala, excited naman si Gabby na ipakita ang vulnerable side ng isang pulitko at ama.
"Ang pinaka-tema niya is 'yung relationship nu'ng politician na 'yun, noong presidente na 'yun behind the scenes. Sa image kasi natin ang mga presidente, tough, pero may puso rin sila eh and 'yun ang gusto nating makita," lahad niya.
Huwag palampasin ang First Yaya marathon sa sa Good Friday, April 2, simula 7:15 pm. Magpapatuloy pa ito sa Black Saturday, April 3, 7:15 pm.
Samantala, kilalanin ang mga bida ng First Yaya sa gallery na ito: