
Muling nagpapakilig ang dream love team na talagang minahal noon at patuloy na minamahal ngayon ng Pinoy viewers.
Kasalukuyang napapanood sa GMA at GTV ang 'First Yaya,' ang seryeng pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Mula sa unang episode sa pagbabalik ng serye hanggang sa ngayon, mababasa ang reaksyon ng viewers tungkol sa excitement at saya na nararamdaman nila ngayong napapanood ulit nila ito sa TV at maging sa social media.
Nasasaksihan ngayon sa serye na mas nagiging malapit na sa isa't isa ang pretty yaya na si Melody (Sanya Lopez) at ang poging president na si Glenn (Gabby Concepcion).
Mayroon pa ring kaunting awkward moments pero tila mas matimbang na ang pagiging komportable nila sa isa't isa.
Narito ang positive reactions ng fans at viewers sa pagbabalik ng kanilang paboritong serye:
All-out na good vibes, kulitan, at kilig talaga ang hatid ng tambalan nina Sanya at Gabby sa GMA series na ito.
Patuloy na subaybayan ang love story ng pretty yaya at ng poging politician.
KILALANIN: Sanya Lopez, Gabby Concepcion, at iba pang bida ng 'First Yaya'
Mapapanood ang First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. naman sa GTV.