Showbiz News

READ: Solenn Heussaff, pumalag sa mga netizens na nagsabing 'tumaba' si Anne Curtis

By Aedrianne Acar

“It’s really a bad habit to always comment about people’s weight.”

Ito ang naging pahayag ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff sa mga komento ng netizens patungkol sa weight gain diumano ng kaniyang sister-in-law na si Anne Curtis.

READ: Anne Curtis blames egg tarts for looking pregnant in family photo

Naglabasan kasi ang mga hakahaka na buntis ang asawa ng celebrity chef na si Erwan Heussaff, matapos mag-post si Solenn ng kanilang family photo sa Instagram.


Binigyan diin ni Solenn sa kaniyang Instagram post na hindi magandang pag-uugali ng mga Pinoy ang pag-usapan ang timbang ng tao.

Ikinasal si Anne at Erwan noong November 2017 sa Queenstown, New Zealand na dinaluhan ng mga A-list celebrities.