Showbiz News

LOOK: Iza Calzado, tanggap ang naging epekto sa katawan niya ng pagiging obese niya dati

By Aedrianne Acar

Hindi minasama ng former Encantadia star ang naging komento ng isang netizen patungkol sa kaniyang katawan nang magkomento ito sa bikini photo niya sa Instagram.

Ayon sa isang netizen: "Para lang kasi madami na syang anak. May mga chubby naman na firm yung katawan at di masagwang tingnan lalo pag nakabikini. Di lang siguro ako sanay makakita ng ganyan. Ganda ng mukha pero lawlaw na lawlaw ang katawan to think dipa nagkakaanak."

LOOK: Iza Calzado's sexy photo in Batangas goes viral

Nag-viral ang Instagram photo ni Iza nang magbakasyon ito sa The Farm At San Benito, isang sikat at exclusive na wellness spa at resort sa Lipa City, Batangas,

Sa post ni Iza, ipinaliwanag niya na malaki ang naging epekto sa katawan niya nang pagiging obese niya noon.

Aniya, “Hirap naman talaga maintindihan from your end bakit hindi normal 'yung body ko. I wish I could say I was merely chubby but truth is I was obese. I have lost 100lbs (or more) 14 inches from my waist and if you think about it that's probably like I had twins or gave birth several times.”

“Siguro nga may mga tao kahit lumaki sila their skin remained tight and texture was great kaya lang I am not One of them.”

Sa kabila nito ay tanggap ni Iza Calzado ang katawan na meron siya ngayon. Mas pinipili din ng versatile actress na i-promote ang body positivity online.

“May magagawa pa ba ako? Wala na. So ang best thing to do is to accept what I have and celebrate the things I have been blessed with, including a healthy body, no matter the size or shape or skin texture.”