Showbiz News

WATCH: Lovely Abella at Valeen Montenegro, nagbahagi ng tips upang maging fit ngayong 2019

By Aaron Brennt Eusebio

Kilala ang grupo ng magkakaibigang Valeen Montenegro, Lovely Abella at Chariz Solomon sa kanilang mga workout videos sa social media kaya kahit na katatapos pa lamang ng holiday season ay beach-ready na agad ang kanilang mga katawan.

Valeen, Chariz & Lovely

Inamin ni Valeen na siya ang gumagawa ng kanilang work-out routine sa ValeenChaGa kaya naman nagbigay siya ng tips na puwedeng gawin ng ilang Kapuso ngayong 2019.

Ayon kay Valeen, dapat muna palakasin ang core muscles ng katawan sa pamamagitan ng planking exercise, sit-ups, push-ups, at squats.

Mas gusto rin nina Valeen at Lovely na umaga mag-work out. Paliwanag nila, “Para you work out on an empty stomach so lahat nung mga kinain mo nung gabi, 'yun 'yung ibu-burn mo for the day.”

Dagdag pa ni Valeen, “You are consistently burning throughout the day and you have more energy when you work out in the morning.”

Displina naman ang sagot para hindi matuksong kumain ng mga matatamis na pagkain.

“Sa totoo ang hirap talaga, lahat sila kumakain pero kung meron ka kasing goal, talagang iiwasan mo,” ani Lovely.

Sagot naman ni Valeen, inaamoy niya lang ang pagkain at kapag naalala na niya ang lasa nito ay hindi na niya ito titikman.

Nagbigay rin ng ibang tips sina Katrina Halili at Juancho Trivino sa video na ito:

Video courtesy of GMA News