Showbiz News

LOOK: Sinong artista ang humahamon kay Lovi Poe sa isang bikini showdown?

By Cara Emmeline Garcia

Hindi nagpatalo si Alessandra de Rossi na magpasiklab ng init ngayong taglamig nang mag-post siya ng bikini photo sa Instagram.

Sa kanyang account, tila hinamon niya si Kapuso actress Lovi Poe sa isang bikini at abs showdown.

Biro nito, “Ilabas n'yo 'yang Lovi na 'yan! Asan siya? Taga saan ba yan? Ready ako!”

May mahigit 30,000 likes na ang naturang post ni Alessandra sa Instagram.

Ang sagot ni Lovi? “Na-stress ako!”

Hindi ito ang unang beses na hinamon ng aktres si Lovi sa isang sexy showdown.

Sa nakaraang post, isinulat niya, “To @lovipoe : tan-tanan mo ako, ngayon lang din! I told you, wait for it!”

Ito ang sagot ni Alessandra sa isang steamy post ng Kapuso actress na may caption na, “TAN-tanan niyo 'ko!”

Sunud-sunod namang pinusuan ng ilang fans at celebrities ang friendly showdown ng dalawa tulad nina Heart Evangelista at make-up artist Albert Kurniawan.

Lovi Poe's latest sexy singit shot wows beauty queens and A-list celebs

Celebs react to Alessandra de Rossi's humorous post about her tummy