Showbiz News

Winwyn Marquez, sinagot ang isang netizen na tutol sa kanyang 'Amazona' body

By Cara Emmeline Garcia

Isang netizen na naman ang sinagot ni Winwyn Marquez online pagkatapos sabihing “masyadong Amazona” na ang katawan ng aktres.

Saad ng netizen, “Hindi [ko] bet ang braso mo girl. Masyadong amozana ang peg. Dapat barbie arms lang para perfect.”

Kaya sagot ni Winwyn, “Amazona not 'amozana.' Please Google Wonder Woman. Try mo para you know.”

Dagdag pa ng netizen, “Basta choice mo 'yan na maselya ang arms mo… Well, good. It's your choice.

“Ang akin lang, mas bet ko ang arms mo na barbie tulad nung Reyna Americana na plakado… Opinion lang 'yon. Don't be affected naman.

“Well, Winwyn beauty queen it's your choice na athletic type of body… Mas bet ko lang sa'yo ang arms na barbie hindi maselya… 'yun lang naman.”

Sambit ni Winwyn, “Don't worry… hindi [ako affected].

“And yes. My body, my choice, and I definitely won't adjust because hindi [mo] bet. I hope you can move on from the [idea of a] 'pageant body' but thanks for your unsolicited advice. Stay safe and healthy!!”

Maraming beses nang sinagot ni Winwyn ang ilang netizens na pumupuna tungkol sa kanyang muscle gains mula sa pag-eehersisyo kaya naman hindi mapigilan ng aktres na diretsong sagutin ang isyu sa isang Instagram post.

Aniya, “Fat and thin are not the only words to describe someone. Try adding fit, strong, and healthy to your vocabulary.”

Winwyn Marquez to body shamer: “I-search mo 'yung words na fit and healthy sa Google”

LOOK: Hottest photos of 'Reina' Winwyn Marquez