
Marami nang nakakapansin ng epekto ng pagbabawas ng timbang ni Paolo Contis.
Sa interview ni Paolo sa 24 Oras nito lamang Oktubre, ibinahagi niyang nakabawas na siya ng 30 pounds dahil sa kanyang diet.
Sa latest Instagram post ni Paolo kung saan naglilinis siya ng kanyang sasakyan ay may mga nag-iwan ng comment na sumi-sexy na ang aktor.
Ilan sa mga nag-comment ay si @sevilla4721 na nagsabing, "May muscle ang braso ha, in fair."
Photo source: @paolo_contis
Post naman ni @pindolicious, "Ang sexy na ni @paolo_contis"
Sa isa pang post ni Paolo ay may nagsabing gumaguwapo lalo si Paolo.
Photo source: @paolo_contis
Related content:
Paolo Contis shares photo of his one-of-a-kind work-from-home setup
Paolo Contis, gustong makaimpluwensiya sa mga kapwa artista sa pagbabalik-taping