Showbiz News

Pauleen Luna sa kanyang pagpapayat: 'Not doing this for my husband's attention'

By Aedrianne Acar

May ginawang paglilinaw ang Eat Bulaga host na si Pauleen Luna tungkol sa ginagawa niyang pagpapayat.

Sa Instagram post ni Pauleen kahapon, June 6, ipinasilip niya ang isang selfie kung saan kitang-kita ang resulta ng kanyang bagong healthy lifestyle.

Pero makikita sa comment section ng nasabing Instagram post na sinagot ni Pauleen ang komento ng isang netizen na nagsabi, “[Sige] lagi kang magpaganda para [sa'yo] na lang [attention] ng mister mo.

“Pero sana ['yung] pagpapagada mo para sa mister mo lang.”

Tugon ni Pauleen dito, “Thanks for the concern but I'm doing this for myself. I wanna be strong and healthy, so I can live a long life for my family.

“Not doing this for my husband's attention or for any guy for that matter.”

Kuwento pa ng misis ni Bossing Vic Sotto na bumalik na ang kanyang pre-pregnancy body matapos niyang tutukan ang page-ehersisyo simula noong Pebrero.

Aniya, “Hello self! Good to see you again. Back to my pre baby body (after 3 years?!? 😂) I only started to take this fitness journey seriously [in] February 2021 but boy am I glad Idid! Lots of hard work and discipline but I'm happy that I was able to get back on track even if it took a long time! Special thanks to the people who push me to be a better version of myself!”

Nagpasalamat din siya sa kanyang mister sa suporta nito. Saad ni Poleng, “And many thanks to my husband who's been so supportive! This isn't the end of the journey because fitness is a lifelong thing! To all the mamas messaging me, thank you and take your time, do not rush and you do you!”

Na-engage si Pauleen kay Vic taong 2015 at Enero ng sumunod na taon ay ikinasal sila.

Nabiyayaan naman ang dalawa ng kanilang baby daughter na si Tali na isinilang noong November 2017.

Heto pa ang ilan sa inspiring transformation ng paborito ninyong celebrities sa gallery below.