GMA Logo Alden Richards, Julia Montes, Five Breakups and a Romance
What's Hot

'Five Breakups and a Romance', pasok sa top 10 movies in PH ng Prime Video

By EJ Chua
Published April 5, 2024 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards, Julia Montes, Five Breakups and a Romance


Congratulations, Alden Richards and Julia Montes!

Hindi maikakaila na maraming Filipino viewers ang na-hook sa pelikulang Five Breakups and a Romance.

Patok ngayon ang 2023 romance-drama film sa Prime Video.

Ngayong Biyernes, April 5, nasa ikalawang puwesto ang 'Five Breakups and a Romance' sa Top 10 movies in the Philippines sa naturang streaming platform.

Ito ay pinagbibidahan ng A-list Kapuso actor na si Alden Richards at ng Kapamilya actress na si Julia Montes.

Si Alden ay mapapanood sa pelikula bilang si Lance, isang binata na nagmula sa pamilya ng mga doktor.

Si Julia naman ay makikilala rito bilang si Justine, isang fashion designer na career-driven.

Matatandaang noong December 2023, inanunsyo ng production team ng pelikula na umabot na sa mahigit 100 million pesos ang gross sales nito.

Ang naturang pelikula ay isinulat at idinirek ni Direk Irene Villamor.

Samantala, ang Five Break-ups and a Romance ay ang kauna-unahang movie collaboration ng GMA Pictures, CS Studios, at Myriad Productions.