GMA Logo Poetic Squad and Hanash Pilipinas on Family Feud
What's on TV

FlipTop Emcees vs. Funny YouTubers, maghaharap sa 'Family Feud'

Published April 2, 2024 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel escapes NLEX, advances to Philippine Cup semis
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 25, 2025 | Balitang Bisdak
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Poetic Squad and Hanash Pilipinas on Family Feud


Sino kaya ang tatanghaling kampeon sa hulaan: ang 'The Poetic Squad' o ang team Hanash Pilipinas?

Walang hanash! Isang 'di inaasahang sagupaan ang magaganap sa pagitan ng FlipTop Emcees at YouTube vloggers sa pinakamasayang family gameshow sa buong mundo, ang Family Feud.

Ang team The Poetic Squad ay binubuo ng mga premyadong FlipTop emcees na sina Tipsy D ng Bataan; K-Ram ng Dasmariñas, Cavite; Romano ng Cabanatuan City, at Manda Baliw ng Antipolo.

Hahamunin sila ng Team Hanash Pilipinas na pinangungunahan ng content creator, events host at isa ring licensed professional teacher na si Genel Llanes, co-host niyang si Nelmar Ongoco sa kanilang man-on-the-street quiz show na “Para sa Pera,” ang self-proclaimed “Disney Princess” na si Ghelai Salandanan, at ang sekretaryang si Jasfher Abrenalin.

Abangan ang nakatutuwang asaran at “espadahan ng mga salita” ng dalawang grupo. Alamin din kung pasado ba si Dingdong Dantes kung siya naman ang isasabak sa isang quiz, Hanash Pilipinas-style? At siyempre, sino kaya ang tatanghaling kampeon sa hulaan: ang The Poetic Squad o ang Team Hanash Pilipinas?

Abangan ang masayang sagupaan nila ngayong Martes, April 2, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7, kasama ang game master na si Dingdong. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page. Worldwide rin itong napapanood via livestream sa official YouTube channel at sa GMA Network Kapuso Livestream.