GMA Logo Fonzi
Photo source: fonziru (IG)
What's on TV

Fonzi, masayang natupad ang dream scene sa 'Apoy sa Dugo'

By Karen Juliane Crucillo
Published May 13, 2026 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ayala Corp nets P12B in Q1 2026, down 5%
Damage to agriculture in Davao due to heat hits P117M
'Stars On The Floor' coaches give advice on how to improve your dancing

Article Inside Page


Showbiz News

Fonzi


Dream come true para kay Fonzi ang isa niyang eksena sa 'Apoy sa Dugo.'

Isa si Fonzi sa mga karakter na inaabangan sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.

Sa Instagram, ibinahagi ng content creator na na-achieve niya ang isa sa kanyang mga pinapangarap na eksena habang umiinit at patindi nang patindi ang mga kaganapan sa serye.

Sa isang video, ikinuwento ni Fonzi na pangarap niya ang eksena na bubuhusan siya ni Angel (Ashley Ortega) ng pintura dahil parang ito raw ay sa "America's Next Top Model."

"My 18 year old self will be so happy," saad sa text na makikita sa video.

Ipinakita rin sa dulo ng video ang ilang larawan ni Fonzi matapos mabuhusan ng pintura sa mukha at buong katawan.

"Unti-unti na natutupad mga pangarap ko," sulat niya sa caption.

A post shared by Fonzi Fonz (@fonziru)



Ginagampanan ni Fonzi ang isa sa mga matatalik na kaibigan ni Vanessa (Elle Villanueva).

Kilala si Fonzi bilang content creator sa TikTok dahil sa kanyang mga nakakatawang skits.

Abangan ang mas tumitinding eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, mas kilalanin pa dito si Fonzi: