GMA Logo Family Feud
What's on TV

Footballer na anak ni Edu Manzano at mga apo ni Freddie Webb, magsasagupa sa battle of athletes ngayong hapon sa 'Family Feud'!

By Maine Aquino
Published April 22, 2026 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gov't agencies sign SOP to implement POGO ban
Satirical comedy “Samahan ng mga Makasalanan” on Prime Video this April 24
Alden Richards is the newest face of a popular local beverage brand

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilalanin ang players ng Team Webb at One Taguig FC sa “Summer tawa, Summer saya” episode ngayong April 22.

Footballer na anak ni Edu Manzano at mga apo ni Freddie Webb, magsasagupa sa battle of athletes ngayong hapon sa Family Feud!

Ngayong Miyerkules, puno ng saya at energy sa Family Feud!

“Summer Tawa, Summer Saya” episode ang mapapanood ngayong April 22 sa paghaharap ng ilang top-tier athletes.

Ang Team Webb ay mula sa isang sikat na pamilya sa sports. Binubuo sila ng mga apo ng basketball icon, dating senador, at aktor na si Freddie Webb. Pinangungunahan sila ni Noah Webb, dating team captain ng UP Fighting Maroons na nanguna sa kanilang historic UAAP Season 84 championship. Si Noah ay isa na ngayong marketing professional at model.

Kasama niya ang kanyang mga kapatid. Si Joshua Webb na isang basketball coach at yoga instructor; si Moses Webb na dating football player, ngayon ay model at negosyante; at si Olivia Webb na dating cheerleader, Ateneo graduate, at mahilig sa rock climbing.

Makakalaban nila ang One Taguig FC, isang professional football club sa Philippines Football League. Maglalaro sa Family Feud stage si Diego Aspiras, midfielder at anak ng chef na si Reggie Aspiras at actor-host na si Edu Manzano. Kamakailan lang siyang bumalik sa Pilipinas matapos maglaro sa Spain.


Kabilang din sa One Taguig FC ang isa sa most tenured and reliable defenders na si Mahmoud Ali, si Jack Zambrano na isang goalkeeper mula Cebu at dating UP Fighting Maroon player, at si Pete Andrei Pareja Forrosuelo na isang full-back mula Zamboanga del Norte at dating FEU Tamaraws player.

Abangan kung sino ang mag-uuwi ng jackpot prize sa fresh episode ng Family Feud ngayong Lunes, April 22, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.