
Grateful at thankful ang content creator na si Forda Ferson (real name: Chrish Ann Austria) sa kanyang supporters at sa mga patuloy na nagmamahal sa kanya.
Sa latest post ni Forda sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang photos at videos na kuha mula sa surprise party na inihanda ng kanyang fans para sa kanyang 27th birthday.
Suot ang kanyang red off-shoulder dress, mas naging kapansin-pansin ang glowing beauty ng vlogger.
Isa sa sobrang nakapagpasaya kay Forda ay ang bouquet of flowers na tila hindi na niya madala dahil sa laki nito.
Makikita rin sa photos ang iba't ibang booth na nagdagdag ng saya sa celebration ng content creator.
Samantala, matatandaang naging usap-usapan si Forda sa social media bago at matapos siyang mag-guest sa Toni Talks, kung saan inilahad niya ang isa sa mga bagay na nakasakit sa kanya mula sa isang dating kaibigan na isa ring vlogger.
Nag-viral din sa social media ang vlogs niya sa kanyang Japan trip, kung saan nakilala ang Aussie Boy na si Leon na nakatagpo niya sa kanyang content na boyfriend for hire.
Isa si Forda Ferson sa mga sumisikat na content creators ngayon sa bansa.
RELATED CONTE: Kilalanin pa ang ibang TikTok creators na may milyon-milyong followers online