GMA Logo Forda Ferson
Courtesy: Forda Ferson (FB)
What's Hot

Forda Ferson's boyfriend-for-hire adventure in Japan goes viral

By Jansen Ramos
Published June 5, 2026 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayor blames landfill closure for trash collection delays
Golden Cañedo is a proud nursing graduate
Hans Kaiser On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Forda Ferson


Invested ang maraming netizens sa Japan vlogs ni Forda Ferson.

Patok sa maraming Pinoy netizens ang latest vlogs ng content creator na si Forda Ferson.

Bukod sa pag-feature sa ilang tourist spots sa Japan, hooked din ang viewers ni Forda sa isa pa niyang vlog angle- ang game na game niyang pag-try sa boyfriend-for-hire service sa bansa.

Talaga namang invested na ang followers niya sa ibinibigay niyang updates tungkol sa ipinakilala niyang dalawang lalaki na naka-date niya sa Japan na sina Rei at Leon.

Unang nakasama ni Forda si Rei at nang naramdaman niyang na-ghost na siya nito ay humanap siya ng bagong makikilala at 'yun na nga ay si Leon.

Kilig na kilig ang netizens sa updates ng vlogger tungkol sa pagkikita nila at maging ang sweet conversations nila ni Leon ay ibinahagi niya rin sa ilang videos.

Mayroon din silang TikTok videos together, kung saan kitang-kita ang kanilang kulitan moments.

Na-enjoy ng mga nakapanood sa vlogs ang pagka-green flag ng bagong ka-date ni Forda na ayon sa kanya ay nakausap niya pa rin kahit noong pauwi na siya sa Pilipinas.

Narito ang ilang comments tungkol sa viral vlogs ni Forda:

Related gallery: TikTok creators na may milyon-milyong followers online

Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.2 million followers si Forda sa Facebook at sa TikTok naman ay may 3.6 million followers na siya.

Samantala, ang boyfriend-for-hire services sa Japan ay legal sa naturang bansa ngunit may kakabit itong rules at laws gaya ng hindi dapat ito magamit sa anumang illegal sexual activities.