
Sa pagbaligtad ni Olga (Patricia Tumulak) kay Rigor (James Blanco), nagkaroon ng bagong star witness si Eduardo (Michael De Mesa) na magpapatunay sa mga krimeng ginawa ni Esmeralda (Eula Valdes) sa kanyang pamilya.
Nabunyag ang mga krimen ni Esmeralda nang ibuking ito ni Guada (Chanda Romero) at ipakita sa publiko ang video ng pag-uusap nila ni Rigor kung saan sinabi ng gobernadora na siya ang may kagagawan sa pambobomba noon sa pamilya Malaque.
Sa teaser na inilabas ng Forever Young ngayong Biyernes, pilit na itinatanggi ni Esmeralda sa harap ng press ang mga akusasyong ibinabato sa kanya ni Eduardo.
Sa pagdating ni Eduardo kasama ang awtoridad, dito na inaresto si Esmeralda sa salang murder!
Malusutan pa kaya ni Esmeralda ang mga krimeng ginawa niya sa pamilya ni Eduardo? Abangan 'yan ngayong Biyernes sa Forever Young, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
BALIKAN ANG PAGBUKING NI GUADA SA KRIMEN NI ESMERALDA DITO: