
Masaya ang Forever Young star at batikang aktres na si Eula Valdes na nakasama ang kanyang fans, ang Eulanians, sa naganap nitong "meet and greet" event noong January 5.
Sa kanyang social media accounts, ipinakita ni Eula kung gaano siya kasaya nang makasama ang mga tagahanga na, aniya, ang ilan ay mula pa sa Dubai, Palawan, Mindanao, at Iloilo.
"A great, fun, and memorable way to start 2025," sulat ni Eula. "Others couldn't make it through because of work, etc., but It doesn't matter. I still felt their love in other ways. I feel truly blessed to have finally met these amazing and talented people who make me smile."
Sa meet and greet, hindi pinalagpas ni Eula ang pagkakataon na mapasalamatan ang kanyang fans. Sabi niya, "Maraming salamat kasi napapangiti ninyo ako."
Mahigit apat na dekada na si Eula sa industriya. Kasalukuyan siyang napapanood bilang Esmeralda sa afternoon series na Forever Young, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
BALIKAN ANG ILAN SA ICONIC ROLES NI EULA VALDES SA GALLERY NA ITO: