GMA Logo Forever Young episode 78
What's on TV

Forever Young: Ibubuking na ni Guada ang kasamaan ni Esmeralda

By Aimee Anoc
Published February 5, 2025 10:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Forever Young episode 78


Ibubunyag na ni Guada ang mga krimeng ginawa ni Esmeralda sa pamilya ni Eduardo. Abangan ito sa 'Forever Young', 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Labis ang hinagpis ngayon ni Guada (Chanda Romero) sa pagkamatay ng kanyang anak na si Oliver (Yasser Marta) matapos na walang awa itong pagbabarilin ni Rigor (James Blanco).

Sa election debate, binalikan ni Eduardo (Michael De Mesa) ang nangyaring pambobomba noon sa kanyang pamilya.

Dito na inilantad ni Guada ang video ng pag-uusap nina Rigor at Esmeralda (Eula Valdes) kung saan sinabi mismo ng gobernadora na siya ang may kagagawan noon sa pambobomba sa pamilya ni Eduardo.

Maitatanggi pa kaya ni Esmeralda ang ebidensyang hawak ni Guada laban sa kanya? Tuluyan na kaya nitong mapagbabayaran ang lahat ng kanyang mga krimen?

Abangan ito ngayong Miyerkules sa Forever Young , 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

BALIKAN ANG HAPPY MOMENTS NG PAMILYA AGAPITO AT MALAQUE SA GALLERY NA ITO: