
Mapapanood na simula ngayong Lunes (October 21) ang pinakabagong inspiring afternoon series ng GMA na Forever Young.
Pagbibidahan ang Forever Young ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell bilang Rambo Agapito.
Tampok sa Forever Young ang pambihirang kuwento ni Rambo, isang 25-year-old na tatakbo bilang isang mayor. Mayroon siyang kakaibang kondisyon na tinatawag na panhypopituitarism, na nakaapekto sa kanyang paglaki.
Makakasama ni Euwenn sa pagbibigay inspirasyon sa family drama sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Sa isang press interview, ibinahagi ng beteranong mga aktor na sina Michael De Mesa at Eula Valdes kung bakit kapupulutan ng inspirasyon at maraming aral ang Forever Young.
"What makes this project special kasi ang tinatalakay rito is a disability," sabi ni Michael. "But, regardless of disability, you can still achieve as long as you put your heart and soul into it.
"Makaka-inspire ito sa mga disabled. Don't let anyone tell you that you cannot do anything... you will be able to be successful. At ito ang message ng 'Forever Young.'"
Para naman kay Eula, bukod sa tumutalakay ito sa isang kapansanan ay napapanahon din ang kuwento ng Forever Young.
"Itong Forever Young... mayroong clear depiction ng sino ang mga dapat iboto," sabi ni Eula.
"Sana [maging] guide din ito sa atin sa nalalapit na eleksyon. Ito sobrang klaro ang mga masakim sa kapangyarihan at sa mga may gusto talagang maitulong sa bayan. Sana po suportahan po ninyo," dagdag niya.
Abangan ang world premiere ng Forever Young mamaya, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.