GMA Logo Forever Young
Photo by: Gerlyn Mae Mariano
What's on TV

'Forever Young,' mapapanood na sa GMA ngayong Oktubre

By Aimee Anoc
Published September 16, 2024 1:48 PM PHT
Updated October 4, 2024 8:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Forever Young


Mapapanood na ngayong Oktubre ang pinakabagong inspirational drama series na 'Forever Young,' na pagbibidahan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.

Bibida na simula Oktubre sa GMA Afternoon Prime ang pambihirang kuwento ni Rambo, na gagampanan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.

Ang serye ay maghahandog ng isang bagong kuwento na siksik sa aral ng buhay at paniguradong bibihag sa puso ng manonood. Tampok sa Forever Young ang kakaibang kondisyon ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

Samahan si Rambo kung paano niya mapagtatagumpayan ang kanyang malaking misyon para sa kanyang pamilya at maraming tao, at ang mga pagsubok na dala na rin ng kanyang kondisyon.

Makakasama ni Euwenn sa kanyang kauna-unahang TV lead role sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, James Blanco, Yasser Marta, Matt Lozano, at Abdul Raman.

Ang Forever Young ay idinirehe nina Gil Tejada Jr. at Rechie Del Carmen.

Abangan ang Forever Young ngayong October 21, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: