
Simula na ang pagbagsak ng maimpluwensyang gobernadora na si Esmeralda!
Nalaman na ni Eduardo (Michael De Mesa) na si Esmeralda (Eula Valdes) ang utak sa pambobomba noon sa kanyang pamilya, matapos itong ilantad ni Guada.
Sa political debate, ipinakita mismo ni Guada (Chanda Romero) ang video ng pag-uusap nina Esmeralda at Rigor (James Blanco) kung saan sinabi ng gobernadora na siya ang may kagagawan sa pagkamatay ng pamilya Malaque.
Sa Forever Young teaser na inilabas ngayong Huwebes, mapapanood na bukod kay Guada ay nakakuha si Eduardo ng bagong witness--si Olga (Patricia Tumulak).
Huwag palampasin ang maiinit na eksenang 'yan ngayong Huwebes sa Forever Young, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.