GMA Logo Forever Young finale
What's on TV

Forever Young: Pag-hostage ni Esmeralda sa pamilya ni Rambo!

By Aimee Anoc
Published February 20, 2025 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Forever Young finale


Huwag palampasin ang huling pasabog sa 'Forever Young,' 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Hanggang kahuli-hulian ay hindi pa rin sumusuko si Esmeralda (Eula Valdes) sa kanyang kasamaan sa pamilya nina Eduardo (Michael De Mesa) at Rambo (Euwenn Mikaell).

Ngayong nalaman ni Esmeralda na buhay si Rambo matapos na gawin ang assassination sa huli sa mismong proklamasyon nito bilang bagong mayor ng bayan ng Corazon, pangho-hostage na sa buong pamilya ni Rambo ang gagawin ni Esmeralda.

Sa teaser ngayong Huwebes ng Forever Young, hinostage ni Esmeralda si Eduardo kasama ang pamilya Agapito. Plano rin niyang bombahin ito katulad ng ginawa niya noon sa buong pamilya ni Eduardo.

Samantala, nalaman na ni Joryl (Abdul Raman) kay Olga (Patricia Tumulak) na si Rigor (James Blanco) ang tunay na pumatay sa ama nitong si Albert (Rafael Rosell).

Huwag palampasin ang huling dalawang araw ng Forever Young, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG PROKLAMASYON KAY RAMBO BILANG MAYOR SA GALLERY NA ITO: