
Ilang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 former housemates ang bibida sa upcoming summer episodes ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Mapapanood si Anton Vinzon sa inspiring musical episode na "My Rockstar Lolo."
Gaganap siya rito bilang aspiring musician na mas inuuna ang kanyang rockstar dreams kaysa sa pag-aaral.
Idol na idol niya ang lolo niyang frontman ng isang legendary na Pinoy OPM band.
Ano kaya ang matututunan niya mula sa mga past experiences ng kanyang lolong rockstar?
Makakasama ni Anton sa episode ang singer-actor na si Mitoy Yonting.
Reunited naman sina Ashley Sarmiento at Marco Masa sa workplace romance story na "Aisle Two, I Love You."
Gaganap sila bilang rival employees ng isang grocery store. Pareho nilang gustong maging "employee of the month" dahil sa pangakong salary increase nito.
Mas matimbang ba sa kanila ang professional rivalry o ang kanilang budding romance?
Huwag palampasin ang brand-new summer episodes ng Regal Studio Presents, every Sunday, 2:00 p.m. sa GMA!
Mapapanood din ito via livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.