GMA Logo Charlie Fleming, Vince Maristela
Source: charlie.flmn, vincemaristela (IG)
What's on TV

Former 'PBB' Housemates Charlie Fleming at Vince Maristela, mapapanood na sa 'The Secrets of Hotel 88'

By Kristian Eric Javier
Published April 16, 2026 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
EXPLAINER: Which oil products are consumed in the Philippines?
Some workers of MisOr vet office may get pay only until April due to budget cut

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming, Vince Maristela


Abangan sina Vince Maristela at Charlie Fleming sa 'The Secrets of Hotel 88.'

Dalawang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates ang mapapanood na sa The Secrets of Hotel 88! Nitong mga nakaraang episodes ay napapanood na si Vince Maristela, habang sa episode ngayong gabi, April 16, ay lalabas na si Charlie Fleming.

Ginagampanan ni Vince ang papel ni Nathan, isang lalaki mula sa nakaraan ni Luna (Mika Salamanca).

Samantala, simula ngayong Huwebes ay mapapanood na rin si Charlie bilang si Maria, isang bagong guest sa Hotel 88. Sa trailer ng episode ngayong April 16, makikitang nanghingi si Maria ng personal tour ng hotel at isa sa mga ibinato ni Raphie (Esnyr) para gawin ito ay si Justin (Josh Ford).

Ngunit dahil hindi komportable si Maria na isa lang ang kasama niya, hinila na rin nila si Chesca (Xyriel Manabat) para makasama sa tour, na hinila naman si Trixie (Kira Balinger).

Ano kaya ang dala ng mga karakter nina Vince at Charlie sa kuwento? Mga bagong sikreto kaya, o mga sagot sa tanong na matagal nang bumabagabag sa kanila?

Abangan sina Vince Maristela at Charlie Fleming sa The Secrets of Hotel 88, Monday to Friday, 9:35 p.m sa GMA Prime. Napapanood na rin ang serye sa iWant TV. Mapapanood din ang late telecast nito sa GTV at sa Kapuso Stream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG BEHIND THE SCENES PHOTOS MULA SA SET NG 'THE SECRETS OF HOTEL 88' MULA KAT BRENT MANALO SA GALLERY NA ITO: