
Kambal o karibal?
'Yan ang special topic ng Your Honor nitong Sabado ng gabi para sa special episode ni Madam Chariz Solomon para sa kaniyang birthday.
At pina-subpoena ng YouLOL Originals vodcast ay ang dalawang mahalagang tao sa buhay niya, ang twins siblings niya na sina Fourth at Fifth Solomon.
Sa guesting ng celebrity twins, ikinuwento nila kina Madam Cha at Vice Chair Pro Tempore Mikoy Morales kung ano-ano ang advantages at disadvantages ng pagiging kambal.
Lahad ni Direk Fifth, “Maganda siya kasi parang unique kayo, napapansin kayo. Pero may negative rin na parang you're being compared 'pag kambal.”
Sabat naman ni Fourth “Kapag tinatanong, magaling ka ba sa P.E., bakit siya magaling parang ganun. Kumakanta ka rin ba?
“Laging dapat 'yung isa meron nito, ikaw din.”
Sinagot din ni Fourth ang tanong ni Mikoy kung totoo nga ba na may special bond ang twins tulad ng may pagkakataon na pareho ang gut feelings nilang dalawa ni Fifth.
Diretsong sagot niya, “Hindi siya totoo. Pero nangyari na 'to ah. May dengue ako, nasa kabilang room ako. Tapos ang lagnat ko, ang sakit na ng ulo ko. Sabi ko dun sa ate ko na nurse na nandoon, sabi ko kay KC, 'Uy, ang sakit na ng ulo ko, ito na nararamdaman ko.
“Tapos sabi niya, 'Hala si Fifth din nasa kabilang room ganiyan din ang nararamdaman.'"
Taong 2014 nang sumali sina Fourth at Fifth Solomon sa Pinoy Big Brother: All In edition.
Nagbigay pa ng trivia si Fifth Solomon sa pagsali nila sa reality show at dito niya ni-reveal ang trivia tungkol sa kanilang unique names.
Kuwento ni Fifth sa House of Honorables, “Ang nickname namin, Robert (Fourth) at Bobby talaga. Yung Fourth, Fifith 'di talaga namin ginagamit 'yun before. Tapos nung nag-audition kami for PBB, it was parang a special audition madaming celebrities, models parang napansin namin ang hirap dito mapansin.
“Kailangan umangat tayo dito, dami kasi! Haba ng pila, umaga pa lang nandun kami sa harap ng ABS-CBN so sabi ko kay Fourth, kay Robert that time, gamitin na natin 'yung Fourth and Fifth. Kasi 'pag narinig 'yun ng producer, Fourth and Fifth, aangat agad.”
Mapapakinggan din ang full episodes ng YouLOL Originals podcast sa Spotify, Apple Podcast, at ibang pang streaming sites.
RELATED CONTENT: Chariz Solomon, the multi-hyphenated comedienne