
Simulan na ang exciting weekend kasama si Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Tampok ngayong Biyernes (July 11) ang pagsabak ng Bicolandia beauty queen and nature lover na si Paulina Labayen sa isang underwater adventure. Siya ay mag-aaral ng basics of underwater hockey mula sa professional "octopushers" ng Philippine national underwater hockey team.
Dadalhin naman tayo ng vlogger from Laguna na si Boss Vino sa mystical Mt. Makiling para i-explore ng ruins ng dating ecotourism tourism site na Pook ni Mariang Makiling.
Saksihan din natin ang pagtatapos ng nature docu-series na "Deadly Australians: Forests." Abangan ang narration ng Kapuso Primetime King tungkol sa Australia's forest floors and canopies na tahanan ng world's most venomous creatures.
May dagdag kaalaman pa mula sa episode location ng Amazing Earth ngayong Biyernes. Alamin ang kuwento ng historic Ultra na kilala ngayon bilang PhilSports Arena sa Pasig City.
Abangan ang Friday adventure na hatid ng Amazing Earth ngayong Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURE NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: