GMA Logo Shuvee Etrata, Ashley Ortega
Courtesy: shuveeetrata (IG)
What's Hot

Friendship nina Ashley Ortega at Shuvee Etrata, hinangaan

By EJ Chua
Published July 28, 2025 11:33 AM PHT
Updated July 28, 2025 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata, Ashley Ortega


Marami ang na-inspire sa friendship ng Sparkle stars at ex-PBB Celebrity Collab housemates na sina Ashley Ortega at Shuvee Etrata.

Pinag-uusapan sa social media ang kahanga-hangang samahan nina Ashley Ortega at Shuvee Etrata bilang best friends.

Sa latest vlog ng It's Showtime host na si Vice Ganda, ipinasilip ang condo, kung saan magkasamang naninirahan sina Ashley at Shuvee.

Related gallery: The beautiful friendship of Shuvee Etrata and Ashley Ortega

Dito ay nadiskubre ni Vice ang magandang pagkakaibigan ng Kapuso stars, kabilang na rin ang ilang detalye sa kanilang mga personal na buhay.

Sa trending na vlog ni Vice, maraming netizens ang nakapansin sa pagiging genuine ni Ashley bilang isang kaibigan, habang si Shuvee naman ay isang mapagpasalamat na kaibigan na ang isa sa goals ay makabawi sa mga naitulong sa kanya ni Ashley.

Ayon pa sa netizens, hanga sila sa maturity at ugali ng dalawang Sparkle stars kahit noong nasa loob sila ng Bahay Ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

May nagsabi rin na sa panahon ngayon ay bihira na ang ganitong uri ng friendship kaya't mapalad sina Ashley at Shuvee sa isa't isa.

Nagsimulang maging malapit sa isa't isa sina Ashley at Shuvee noong nagkasama at naging co-stars sila sa 2023 GMA series na Hearts on Ice, na pinagbidahan noon ng una.

Si Ashley ay nakilala sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Tis-ice Princess ng San Juan at si Shuvee naman ay ang tinaguriang Island Ate ng Cebu.

Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.