GMA Logo Kokoy De Santos Eduardo Roy Jr Royce Cabrera
Source: kkydsnts (Instagram)
What's Hot

'Fuccbois' actors Kokoy De Santos and Royce Cabrera mourn the death of Director Eduardo Roy Jr.

By Jimboy Napoles
Published February 23, 2022 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy De Santos Eduardo Roy Jr Royce Cabrera


Pumanaw si Direk Eduardo Roy Jr., noong Lunes, February 21.

Nagdadalamhati ngayon ang pamilya at mga kaibigan ng TV at film director na si Eduardo Roy Jr. sa kanyang biglaang pagpanaw Lunes, February 21.

Si Direk Roy o mas kilala sa pangalan na Direk Edong ang direktor ng ilang sikat na Cinemalaya independent films gaya ng 'Bahay Bata' (2011), 'Quick Change' (2013), 'Pamilya Ordinaryo' (2016), 'Lola Igna' (2019), at 'Fuccbois' (2019) na pinagbidahan ng Kapuso artists na sina Kokoy De Santos at Royce Cabrera.

Sa kanilang Instagram account, ipinost nina Kokoy at Royce ang ilang mga larawan at ala-ala nila kasama ang yumaong direktor.

A post shared by Royce Cabrera (@royce.cabrera)

"Ang Bigat… Nakakabigla …

"Direk Edong maraming maraming salamat sa lahat. Taos puso kong dadalhin lahat ng aral na natutunan ko sayo.

"Mamimiss kita ng sobra. Mahal ka naming lahat direk. Paalam!," saad ni Royce sa kanyang post.

Ibinahagi naman ni Kokoy ang larawan ng huling sulat sa kanya ng pumanaw na direktor at ang plano sana nilang muling paggawa ng pelikula.

A post shared by Kokoy De Santos (@kkydsnts)

"Bet na bet ko," ani Kokoy.

"Mahal kita Direk Edong. Maraming Salamat sa lahat. Hanggang sa muli," sulat niya sa kanyang post.

Ayon sa pamilya ng direktor, massive pulmonary embolism due to hospital acquired pneumonia ang dahilan ng kanyang pagpanaw.

Nakatakdang iburol ang mga labi ng yumaong direktor sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City simula February 24 hanggang February 26.

Balikan naman ang magagandang alaala ng ilang kilalang personalidad na pumanaw sa murang edad sa gallery na ito.