
Simula February 1, maaari niyo na mapanood ang full episodes ng Kapuso drama na Madrasta online.
Hinding hindi na kayo mapag-iiwanan sa masalimuot na kuwento nina Audrey, Sean at Katharine dahil pwede niyo na balikan ang mga tagpo sa Madrasta online.
Magiging available na ang full episodes ng Madrasta sa GMANetwork.com o sa pamamagitan ng GMA Network app. Maliban dito, pwede ring mapanood online ang full episodes ng Prima Donnas, Magkaagaw, at Anak ni Waray vs Anak Ni Biday.
Catch up na sa mga paborito niyong mga teleserye, mga Kapuso!