
Muling pinasaya ng Kapuso star na si Pokwang ang kanyang followers at maging kapwa celebrities sa isang nakakatawang TikTok duet nila ng dating Sexbomb dancer na si Aira Bermudez.
Sa nasabing TikTok video makikitang sumasayaw si Aira sa background ng video, kung saan kumasa siya sa Kaldag Challenge.
Isiningit naman ni Pokwang ang video niya sa ibabang parte para magmukhang nandoon din siya habang sumasayaw si Aira.
Kunwaring naghihiwa si Pokwang at mistulang natatamaan siya ni Aira habang nagsasayaw ito.
Ani Pokwang sa caption, “grabe ka naman sexbomb @airabermudez ina ano ba kita? magluluto lang naman ako ng hapunan namin? #tiktok #tiktokduet”
Ni-reshare naman ito ni Aira sa kanyang IC account. Ani Aira, “#reposting Mamang @itspokwang27 I love you!!!❤❤❤ You're the best always! 🤣🤣🤣 #kaldagchallenge�”
Kasalukuyan nang may higit 430,000 views ang nasabing video na ito sa IG account ni Pokwang at higit 180,000 views naman sa TikTok.
Instant hit din ito sa kapwa celebrities ni Pokwang tulad nina Edgar Allan Guzman, Sef Cadayona, Rodjun Cruz, Sofia Pablo, Kokoy De Santos, Aga Muhlach, Melai Francisco, Barbie Imperial, Krissy Achino at marami pang iba.
Comments ng celebrities sa TikTok video ni Pokwang / Source: itspokwang27 (IG)
Ano'ng masasabi mo sa TikTok duet video nina Pokwang at Aira Bermudez? Sound off in the comments section, mga Kapuso.
Mas kilalanin pa ang Kapuso comedienne-actress na si Pokwang sa gallery na ito.