
Mapapanood na sa GMA Afternoon musical drama series na Born to Shine ang P-Pop Female Alpha na G22 para makilala ang YUMI!
Sa panayam ng GMANetwork.com sa members ng G22 na sina AJ Yape, Alfea Zulueta, at Jaz Henry nitong Lunes, July 6, ibinahagi ng grupo kung gaano kagaan kasama sa set ng Born to Shine team at ng YUMI na binubuo nina Zephanie, Olive May, Naya Ambi, Mitzi Josh, at Gaea Mischa.
Dagdag pa ni Jaz, “And direk gave us also the freedom to really be ourselves since we are G22 on the show, parang super fan talaga, as in kahit backstage, masaya, offcam. But the experience in itself was fun.”
Biro pa ni AJ, “So see you soon po ulit.”
Sa Born to Shine, makakasama rin ng G22 ang fictional girl group na YUMI. Ayon kay AJ, masaya at magaan naman silang kasama.
“You can really see them, they're so good sa kung ano'ng ginagawa nila. Sobrang professional, and ang bait din nila off-cam. Mabait si Megan, guys,” sabi ni AJ.
Si Megan ang karakter na ginagampanan ni Olive May sa serye.
Pagbabahagi naman ni Jaz, “And I'm invested. I'm invested, 'What's gonna happen next?'”
Bahagi ng kwento ng GMA Afternoon Prime series ay ang journey ng isang artist o isang nagsisimulang P-Pop group, papunta sa kanilang pangarap. At ayon sa G22, masaya sila na nakakapag-shed ng light ang serye sa totoong pinagdadaanan ng mga idol.
“Kasi we always see idols like 'yung ending product na, 'yung stage na, and everything. But 'yung struggles behind, and 'yung paano nabubuo, the management, and everything, parang ang saya lang na na-she-shed ng light na 'yung mga tiwala ng tao sa P-Pop,” sabi ni AJ.
Dagdag pa ni AJ, masaya rin sila na mas nakikilala ang P-Pop sa pamamagitan ng serye.
“True, nagshe-shed din ng light on the possibility of being a P-Pop idol din,” sabi ni Jaz.
SAMANTALA, KILALANIN ANG P-POP GROUPS NA NAGDO-DOMINATE NG 2026 SA GALLERY NA ITO: