
P-pop craze ang handog sa ikalawang araw ng MagPASKOsikat ng fun noontime program na It's Showtime!
Star-studded ang dance floor kasama ang ilan sa mga paboritong P-pop groups na BGYO, G22, WRIVE, DNA, KAIA, 1621, at VXON.
Pasabog din ang performances kasama si Darren Espanto at ang bagong girl group ng programa na SWT16 (Cianne Dominguez, Jackie Gonzaga, Kim Chiu, at Anne Curtis).
Sa panayam kasama ang GMANetwork.com, ipinakita ng groups ang kanilang excitement at saya na makasama sa weeklong 16th anniversary ng It's Showtime.
"Isa pong karangalan na mag-perform sa It's Showtime, mas lalo 'yung Magpasikat kasi parang tradisyon kumbaga bata pa lang (hanggang) paglaki, parte ito ng...pinapanood natin," kwento ng G22.
Very memorable din para sa DNA ang kanilang performance bilang parte ng 16th anniversary ng programa.
"We were really surprised in the first place na we got to be part of it. So we're very lucky to share the stage with all of our idols on P-pop. It's just so exciting to be part of this special moment po for It's Showtime," pahayag nila.
Dream come true para naman sa WRIVE na makapag perform sa It's Showtime studio kasama ang hosts at iba pang P-pop groups.
"Sobrang nakakatuwa po and sobrang happy talaga. Blessed kami na makasali sa Magpasikat which is pinapanood lang namin sa tv before," sabi ng grupo.
Tuloy ang blessings at pasabog na performances sa 16th anniversary celebration ng It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang MagPOPsikat highlights sa gallery na ito.