GMA Logo Gabbi Garcia and Khalil Ramos
Photo source: gabbi (IG)
Celebrity Life

Gabbi Garcia at Khalil Ramos, hindi kailanman naghiwalay sa loob ng walong taon na relasyon

By Karen Juliane Crucillo
Published May 16, 2025 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang celebrities, nasimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Alleged female rebel nabbed for rebellion, crimes against humanity
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia and Khalil Ramos


Gabbi Garcia sa relasyon niya kay Khalil Ramos: "There was never a point in our relationship na nag-break kami."

Sa loob ng walong taon na pagsasamahan, nananatiling solid pa rin ang relasyon nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Mas napatunayan ito sa panayam nila kasama ang TV reporter na si Karen Davila dahil inamin ng SLAY actress na hindi sila kailanman naghiwalay ni Khalil.

"Parang, there was never a point in our relationship na nag-break kami. Parang, we were always together," sabi ni Gabbi.

Ibinahagi rin nina Gabbi at Khalil ang kanilang sikreto kung paano nila napanatiling matatag at masaya ang kanilang relasyon.

"I feel like kasi we have so much fun together. Hindi kami 'yung couple na masyadong seryoso sa lahat ng bagay. Magbarkada kami. We're best friends. We make fun of each other, we play around, we have fun, we enjoy the relationship," ikinuwento ni Gabbi tungkol sa kanilang relasyon.

Dagdag ng aktres, "It's not all about romanticizing the relationship and everything. Once in a while, para lang din kaming magbarkada."

Ikinuwento naman ni Khalil na talagang napag-usapan nila ni Gabbi na patagalin ang kanilang relationship.

"Hindi namin sasayangin 'yung chance kasi click kami 'e," sabi din ni Gabbi na talagang maging smart sa kanilang relationship.

Para mapanatilihing mas matibay ang kanilang relasyon, isa rin sa kanilang mga ginagawa bilang mag-couple ay gawin pa rin ang mga bagay na natutuwa silang gawin na magkasama katulad na lamang ng kumain sa labas at mag-travel.

Nabanggit din ng dalawang aktor na napag-uusapan na nila ang kasal ngunit hindi rin daw sila nagmamadali dahil naka-focus pa sila sa kanilang mga individual careers.

Nagsimula magkaroon ng relasyon sina Gabbi at Khalil noong 2017.

Panoorin dito ang buong panayam nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos:

Samantala, tingnan dito ang iba pang mga celebrity couples na may long-lasting relationship: