
Naghanda ng isang thanksgiving lunch si Gabbi Garcia bilang pagdiriwang ng ika-10 taon niya sa industriya.
Dito, inilahad din ng Encantadia Chronicles: Sang'gre actress ang kanyang pasasalamat sa mga oportunidad na natanggap niya sa loob ng sampung taon.
“Showbiz has changed my life and the people around me. Nothing but a grateful heart for everybody, sa GMA family ko, sa Sparkle, to all the brands who trusted me all these years,” sabi ni Gabbi sa interview niya kay Lhar Santiago para sa “Chika Minute” ng 24 Oras.
Ilan sa mga dumalo sa lunch celebration ng aktres ay ang kaniyang pamilya, ang boyfriend at kapwa aktor na si Khalil Ramos, GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, at Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo.
Ani ni Khalil, “This day is very special to Gabbi, this day marks her 10th year in the industry. I can't be more proud of her.”
BALIKAN ANG PAGDIRIWANG NI GABBI NG KANIYANG 25TH BIRTHDAY SA GALLERY NA ITO:
Samantala, nagbigay rin ng kaniyang pagbati Atty. Annette Kay Gabbi kasabay ng pasasalamat sa pagiging parte niya ng GMA at Sparkle sa loob ng 10 taon.
“Lalo kang gumaganda, gumagaling, lahat-lahat na, I can't wait for the next 10 years,” sabi niya.
Pagpapatuloy pa ng SVP ng GMA ay marami nang naka-line up na project para kay Gabbi at sinabing isa ito sa mga most in-demand artists ng GMA.
Sa ngayon, abala si Gabbi na naghahanda sa pagbabalik niya bilang si Sang'gre Alena sa biggest telefantasya ng GMA, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre. Kamakailan lang ay nag-fitting muli siya ng kaniyang costume.
“Tuwang-tuwa ako kasi, finally, I got to see my warrior outfit again, I finally get to be Alena again, even for just the day nung fitting,” sabi niya.
Excited na rin umano ang aktres na magsimula mag-taping para sa serye lalo na at kakasimula lang din ng ibang 2016 Encantadia na sina Sanya Lopez at Glaiza de Castro sa kani-kanilang taping.