
Ikinuwento ni Sanya Lopez ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Bianca Umali sa taping ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa pagpapatuloy ng iconic telefantasya ng GMA, muling gagampanan ni Sanya ang karakter ni Sang'gre Danaya, habang gaganap naman na anak niya si Bianca bilang Terra, ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
Noong December 15, nagbahagi ang Sang'gre ng ilang mga larawan mula sa unang pagkikita nina Bianca at Sanya sa taping.
"Ilang beses na kasi ako nag-taping for Sang'gre and iyon 'yung first time ko lang din na nakita si Bianca doon sa Sang'gre taping," kuwento ni Sanya sa GMA News.
"Na-excite si Direk (Mark Reyes), 'Uy! Mag-picture naman kayo' kasi as mag-ina na kami dito sa Sang'gre. Though hindi pa kami nagkakaroon ng eksena pero I'm looking forward sa bawat eksena na iyon."
Dagdag pa ni Sanya tungkol sa masasayang larawan nila ni Bianca, "Ever since naman magka-vibes kami ni Bianca. Siguro nandu'n kami sa 'Heto na 'yun!' Bilang kami na-experience na namin 'to before na-e-excite kami. And we want na maging maganda 'yung bawat eksena dito lalo na sa darating na Sang'gre.
"Syempre, maraming Enkantadiks na excited kung ano ba 'yung mangyayari rito sa Sang'gre. Kaya naman siguro hindi mo maalis sa kanila 'yung pressure na nararamdaman nila but 'yung support naming mga Sang'gre rin para sa mga bagong Sang'gre nandoon para sa kanila"
Ayon pa kay Sanya, nagkaroon na sila ng training para sa fight scene sa Sang'gre.
"Nagkaroon kami ng training last time because magkakaroon kami ng fight scene doon sa Sang'gre. Pero, since, siyempre maraming inaayos pa, so far iyon pa lang ang naging training namin," pagbabahagi ng aktres.
Bukod kay Sanya, muli ring mapapanood sa Sang'gre sina Glaiza De Castro bilang Pirena, Kylie Padilla bilang Amihan, at Rocco Nacino bilang Aquil.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANGGRE' SA GALLERY NA ITO: