
Ibinahagi nina Gabbi Garcia, David Licauco at Liezel Lopez ang naging fun experiences nila matapos nilang mag-guest sa mga online shows ng GMA Artist Center YouTube channel.
Sina Gabbi, David at Liezel ay napanood sa online shows na Quiz Beh! at E-Date Mo Si Idol.
Kuwento ni Gabbi, masaya ang naging experience niya sa Quiz Beh! dahil naka-bonding niya ang ibang artists online sa isang fun online game show.
"Recently I was invited to be one of the players of Quiz Beh! and I had a lot of fun because even though magkakalayo kaming mga artists, we got to bond through GMA Artist Center's shows."
Si David naman ay ibinahagi na ang pag-guest niya sa Quiz Beh! at E-Date Mo Si Idol ay isa sa mga paraan para makapagpasaya ng kanyang mga fans.
"I had a lot of fun on Quiz Beh! and E-Date mo Si Idol because despite the pandemic I still got to make people happy in my own little way."
Masaya si Liezel na naka-entertain siya ng kanyang fans nang sumali siya sa Quiz Beh! at E-Date Mo Si Idol.
"Sobrang nag-enjoy po talaga ako nung triny ko ang E-Date Mo Si Idol and also Quiz Beh! 'Yan po ay dahil nakakatuwa na nai-entertain namin kayo kahit nasa bahay lamang tayo."
Para makabonding online ang inyong mga paboritong GMA Artist Center idols, mag-subscribe lamang sa GMA Artist Center official YouTube channel.
GMA Artist Center launches own YouTube channel
GMA Artist Center, may kaabang-abang na irereveal soon!