Article Inside Page
Showbiz News
Balikan ang nakakakilig na date ni Liezel Lopez sa kanyang date with Melvin sa 'E-Date Mo Si Idol.'
Kitang-kita ang kilig kay Liezel Lopez sa kanyang online date nitong July 30 sa E-Date Mo Si Idol.
Sa episode na ito naka-date ni Liezel ang kanyang fan na si Melvin. Ayon kay Liezel, gustong- gusto niya ang mata ni Melvin.
"Seryoso, 'yung mata mo talaga iba."
Tinanong naman ni Melvin kung may chance ba na ma-in love si Liezel sa isang tao na hindi artista.
Sagot naman ni
Liezel ay mas gusto niya pa umano ito.
"Mas gusto ko 'yung simple. Hindi ako tumitingin sa physical appearance; gusto ko 'yung tao na parang nag-o-open up sa akin."
Dagdag pa ni Liezel, "Mas gusto ko nga yung ganon e. Yung parang simple lang, dalhin mo lang ako sa lugawan ganon."
Paglilinaw pa ni Liezel ay wala daw siyang arte dahil mas gusto niya umano ang lalaking nagpapakatotoo.
"Hindi ako maarte, okay lang sa akin basta mag-open up ka sa akin. May iba kasing guys na parang alam mo 'yung parang papogi, mas gusto ko simple lang."
Panoorin ang video nina Liezel at Melvin sa
E-Date Mo Si Idol.
Kim De Leon, aprubado ng pamilya ang ka-online date
Sanya Lopez, nag-enjoy sa kanyang online date