
Labis na ang pananabik ng fans at cast sa muling pagsasama ng 2016 Sang'gres sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Malapit nang mapanood muli sina Alena (Gabbi Garcia), Amihan (Kylie Padilla), Pirena (Glaiza de Castro), at Danaya (Sanya Lopez), laban sa kampon ng kadiliman.
Kamakailan, sinorpresa ni Kylie ang fans sa pamamagitan ng ilang sneak peek ng kanyang pagbabalik-taping sa superserye.
Hindi rin maitago nina Sanya, Glaiza, at Gabbi ang kanilang excitement sa muling pagkumpleto ng apat na Sang'gres.
"Syempre 'yun ang inaabangan ng ibang Encantadiks. Until now nga, nagpapasalamat kami dahil patuloy pa rin 'yung pagsuporta nila sa amin. Lagi pa rin nila kaming hinahanap,"ani Sanya sa panayam ng 24 Oras.
Dagdag naman ni Glaiza, "This time, totoong magsasama-sama po kaming apat. Excited na excited na po kaming makabalik ulit on screen na magkakakapatid. Syempre na-miss namin ang isa't isa. Na-miss ko ang armour na 'to. Excited kami makipaglaban ulit together."
Si Gabbi naman ay nagpahayag ng saya sa patuloy na pagkakaibigan nilang apat mula pa noong 2016.
"Happy ako na mas naging close pa kaming apat. After 10 years, 'yung relationship namin hindi lang the same, naging mas close pa kami. Siyempre, nasa iba't iba na kaming chapters ng buhay namin," pahayag niya.
Bukod sa pagbabalik ni Amihan, tutok din ang viewers sa patuloy na paghaharap ng mga New-Gen Sang'gres at ni Bathala Gargan.
Marami rin ang nakasubaybay sa mga nangyayari sa kaharian ng Encantadia, laban sa mga kalaban tulad ni Hagorn.
Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Balikan ang 2016 throwback photos nina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Glaiza de Castro, at Sanya Lopez sa gallery na ito: