GMA Logo 2016 Sang'gres Kylie Padilla, Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, and Sanya Lopez
Photo by: kylienicolepadilla (IG)
What's on TV

Kylie, Glaiza, Gabbi, at Sanya, bibisita sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong Biyernes

By Aimee Anoc
Published February 6, 2026 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball game sa Dagupan City, nauwi sa rambol
#BasyangPH weakens further over Ayungon, Negros Oriental
GMA Network Earns Two Global Filipino Icon Awards

Article Inside Page


Showbiz News

2016 Sang'gres Kylie Padilla, Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, and Sanya Lopez


Abangan ang guesting ng 2016 Sang'gres na sina Kylie Padilla, Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez sa 'Fast Talk with Boy Abunda' mamaya sa GMA.

Sa huling araw ng anniversary celebration ng afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes (February 6), makakakuwentuhan ng King of Talk na si Boy Abunda ang second gen Sang'gres na sina Kylie Padilla, Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Muling mabubuo at magkakasama ang 2016 Sang'gres na sina Kylie, Glaiza, Gabbi, at Sanya bilang Amihan, Pirena, Alena, at Danaya sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Kumpirmado na ang pagbabalik ni Kylie Padilla bilang Amihan sa Sang'gre, na "wish come true" para sa aktres.

Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, naibahagi rin ni Kylie na masaya siya na muling makasama ang kapwa 2016 Sang'gres na sina Glaiza (Pirena), Gabbi (Alena), at Sanya (Danaya).

Alamin ang kanilang mga kuwento sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA.

Samantala, abangan ang reunion ng 2016 Sang'gres soon sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

RELATED GALLERY: Kylie Padilla, ipinasilip ang fight scenes ni Amihan sa 'Sang'gre'