What's Hot

Gabbi Garcia, handa nang gumawa ng mature roles

By Kristian Eric Javier
Published October 11, 2023 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

gabbi garcia


Kahit handa na sa mature roles si Gabbi Garcia, nilinaw naman nito na susuriin at pipiliin pa rin niya ang mga proyektong gagawin.

Kasunod and intense drama na pinagdaanan ng karakter ni Gabbi Garcia sa hit series na Unbreak My Heart, sinabi ng aktres na handa na siyang sumabak sa mas mature na roles.

“I think it's also about time because I'm not getting any younger. I'm turning 25 this December, so siyempre, you wanna move forward, you wanna improve more, you wanna grow, so there's no way to go but really that path,” sabi ni Gabbi sa interview niya kay Nelson Canlas sa "Chika Minute" para sa 24 Oras.

Nilinaw naman ng aktres na kahit ready na siyang kumuha ng mature roles ay pipiliin pa rin niya kung ano-ano ang tatanggapin.

“But yeah, I'm more challenged now to take on mature roles,” pag-uulit ni Gabbi.

BALIKAN ANG NAGING SUCCESS NI GABBI SA KANIYANG CAREER SA GALLERY NA ITO:

Kailan lang ay umani ng papuri ang dalagang aktres sa kaniyang intense wedding scene sa serye, kung saan ibinunyag niya ang sikreto ng kaniyang mapapangasawa na si Lorenzo (Josuhua Garcia) at ng kaniyang ina na si Rose (Jodi Sta. Maria.)

Ibinahagi ni Gabby sa kaniyang Instagram Stories kung papaano niya pinaghandaan ang nasabing eksena, at sinabing dumaan siya sa isang dedicated workshop kasama ang aktres na si Ana Feleo.

Dagdag pa nito, “And with Direk Manny [Palo]'s trust also, he walked me through the scene, and of course, ako mismo, nag-homework din ako, nag-prepare ako for my character and for the scene mismo.”

Ayon pa kay Gabby ay nanatili lang siya sa kaniyang taping tent at walang ibang kinakausap kundi si Jodi para makapag-internalize.

Ngayon, matapos ang heavy drama ay pupunta si Gabbi kasama ang kaniyang boyfriend na si Khalil Ramos sa New York at Canada para sa isang “well-deserved break.”

“Looking forward kami to watch Broadway shows, to just really eat and mag-foodtrip lang around the place, 'yun 'yung pinaka nilu-look forward ko ngayon,” sabi ni Gabbi.

Ngunit matapos ang break ay maghahanda naman ang aktres para sa isang bagong movie project. Kahit wala pang detalye na puwedeng ibahagi, nasabi ni Gabbi na excited na siya para dito.

“It's very very new to me, it's a new genre, a totally new genre, so na-excite na akong gawin 'yun

Panoorin ang buong interview ni Gabbi sa video sa itaas.