
Very supportive si Khalil Ramos sa bagong hosting job ng kanyang girlfriend na si Gabbi Garcia. Magsisilbing journey host si Gabbi ng bagong season ng The Voice Kids, na mapapanood na sa Linggo, September 13.
READ: Gabbi Garcia joins 'The Voice Kids' as Journey Host for its new season
Sa katunayan, si Khalil pa ang naging personal photographer ni Gabbi sa media conference ng singing competition kamakailan.
Kwento ni Gabbi sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, "Wala akong na-book na shooter, e may kailangan akong content. Sabi ko, 'Sorry wala na talaga akong ma-shoot.' Sabi niya, 'Sige na, ako na.' Gumising siya ng 8 a.m. para samahan ako kahit puyat s'ya. Very, very supportive talaga s'ya."
Ipinagmamalaki rin ni Gabbi na secured siya sa piling ni Khalil. "'Di kasi s'ya maingay na tao. Our love is not loud. It's quiet but it's secured," aniya.
Bukod sa pagiging sweet at caring na boyfriend, hanga rin si Gabbi sa acting at work ethic ni Khalil kaya proud siya kapag may naririnig siyang magagandang feedback dito. Isa na riyan ang comment ng kaibigang si Barbie Forteza, na nagsabing "ideal leading man" si Khalil. Nagtambal sina Khalil at Barbie sa 2026 comedy-romance film na Saving Cherry. Magkakasama muli sila sa upcoming Prime Video, GMA, and ABS-CBN Studios series na Honor Thy Mother.
READ: Barbie Forteza at Sharon Cuneta, magkakasama sa 'Honor Thy Mother'
Pahayag ni Gabbi, "I've nothing but praises for him. I'm super, super proud. Talagang walang question yun. I'm happy that I'm able to share him with other people kasi he really is a great guy."
Panoorin ang buong ulat sa video sa ibaba.
RELATED GALLERY: Gabbi Garcia and Khalil Ramos's sweetest photos