
Hindi nagpahuli ang Kapuso star na si Gabbi Garcia sa isa sa mga pinakasikat na trend ngayon sa social media, ang “Bebot Challenge.”
Gamit ang kanta ni Apl.de.ap kasama ang Black Eyed Peas na 'Bebot', ipinamalas ni Gabbi ang kaniyang natural beauty at ang kanyang charm sa kanyang followers sa social media.
Sa kanyang Instagram post, makikita ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na nakasuot ng kanyang iconic Sang'gre Alena warrior costume.
“Hopping on the Bebot trend with my pinakakaibang ootd,” sulat ni Gabbi sa kanyang caption.
Pinusuan ito ng maraming mga fans at netizens dahil sa charm ng aktres habang ginagawa ang trend. Marami rin ang nag-comment at nagbigay ng kani-kanilang reactions sa post na ito mula kay Gabbi.
“Sobrang ganda talaga,” comment ng isang fan.
“Walang kupas, ang ganda,” ani naman ng isa.
“My forever favorite and beloved Sang'gre, Hara Sang'gre Alena!” komento ng isa pa.
Abangan si Gabbi Garcia bilang Sang'gre Alena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related Content: Encantadia Chronicles Sang'gre Casts Behind The Scenes