GMA Logo Gabbi Garcia in SLAY finale
What's on TV

Gabbi Garcia sa unexpected finale ng 'SLAY': 'Pasabog'

By Aimee Anoc
Published June 13, 2025 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia in SLAY finale


Abangan ang plot twist sa finale ng 'SLAY' mamayang gabi sa GMA Prime!

Isang malaking plot twist ang hindi dapat na palampasin sa unexpected finale ng SLAY ngayong gabi!

Masasagot na ang tanong kung sino nga ba ang tunay na pumatay sa fitness influencer na si Zach Zamora, na ginagampanan ni Derrick Monasterio.

Ayon sa lead cast ng SLAY na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Julie Anne San Jose, nagulat din sila sa ending ng TV version ng SLAY. Kaya naman, anila, hindi ito dapat na palampasin.

"Ang finale natin sa June 13 kaya hindi dapat na palampasin 'yan," sabi ni Mikee sa interview ni Lhar Santiago ng 24 Oras. "Friday the 13th, sakto sa theme natin."

Pagpapatuloy ni Julie, "Kami rin mismo, nagugulat kami. Ito pala 'yung ending. This did not happen in Viu. So, parang talagang may dapat pa rin abangan sa GMA."

"Pasabog," pagsang-ayon ni Gabbi.

Sa teaser na SLAY, panibagong tanong ang nabuo kina Inspector Juro (Royce Cabrera) at Kirby (Nikki Co) nang malaman nilang maraming amount ng tetrahydrozoline ang natagpuan sa katawan ni Zach at sa inumin nito pero 15ml lang naman ang laman ng isang eye drop.

Tama kaya ang kanilang hinala na hindi lang si Liv (Julie Anne San Jose) ang maaaring naglagay ng eye drops sa inumin ni Zach?

Abangan ang unexpected finale ng SLAY ngayong Biyernes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.