GMA Logo Gabby Concepcion and Kakai Bautista
Source: ilovekaye (Instagram)
What's on TV

Gabby Concepcion at Kakai Bautista may funny paandar sa set ng 'First Lady'

By Jimboy Napoles
Published February 6, 2022 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Concepcion and Kakai Bautista


May patikim na saya sina Gabby Concepcion at Kakai Bautista mula sa set ng First Lady.

Sa darating na Araw na mga Puso, magpapakilig sa inyong telebisyon ang First Lady, ang sequel ng good vibes Kapuso serye ng 2021, First Yaya. Pagbibidahan ito ng Sparkle artist na si Sanya Lopez at batikang aktor na si Gabby Concepcion.

Sa Instagram, nagpatikim agad ng kasiyahan ang bida ng serye na si Gabby at co-star nitong si Kakai Bautista. Sa video na ipinost ng huli, makikita ang paglalaro nila ni Gabby sa malambot na kutson ng kama sa set.

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)

"Laughter is the best vitamin. Alam n'yo ba na laughing tends to strengthen our lungs?," caption ni Kakai sa kanyang post.

Ayon pa sa komedyante, masyado nang madrama ang nararanasan natin kaya piliin na lamang ang maging masaya.

Aniya, "So piliin mo 'yung makakapagpatawa sa'yo! 'Yung masakit pero magaan, kalmado pa rin. Ang dami nang drama ng mga nakalipas na taon, dadagdagan mo pa ba?"

Makikita rin sa video ang ilan pang cast ng series, gaya nina Cassy Legaspi, Maxine Medina, at Thia Tomalla, habang maririnig naman ang malakas na tawa ng aktres na si Cai Cortez nang siyang kumukuha ng video.

Abangan ang world premiere ng First Lady, ngayong February 14 na sa GMA Telebabad.

Silipin naman ang ilang behind-the-scene photos ng First Lady sa gallery na ito: